Mercedes

Tuwa at lungkot ang nadarama sa tuwing aking babalikan ang alaala nating dalawa.

Tuwa dahil sa alam kong sa landas mong tinatahak, ika’y masaya.

Lungkot dahil sana, kahit paano ay nasamahan kita.

Oo, nakaka-miss ka.

Mata mong mapungay, pisnging mapula, ngiting kaaya-aya, oo. Nakaka-miss ka.

Ngunit ‘di na tayo tulad ng dati.

Ibalik man natin ang panahon, wala na ang dating kislap ng ating pagsasama.

Wala na ang dati. Umusad na ang oras. Tapos na ang lahat.

Kaya ako’y muling matutulog at magigising nang walang inaalalang ikaw.

Hanggang sa muli akong madaan sa iniiwasan kong alaalang mapanglaw.

Advertisements

ILY

Napahinto ang mundo ko nang sabihin mong mahal mo ako.

Sinabayan mo pa ng halik-de-gulat sa pisngi.

At tinapos mo nang may pamatay na ngiti.

Natulala ako. Sa sobrang tulala, hindi ko namalayan ang busina ng 10-wheeler sa daan.

Minahal, hinalikan, sinagasaan.

Tunay ngang langit ang narating ko.

Tunay nga.